about
● chat
● links
● archives
Wednesday, December 9, 2009
Back to reality. @ 4:35 AM
Retreat is over.
100% fun & memorable. As in, define. Syempre, AMBO pa. :)
Ang dami kong narealize at natutunan. Lahat yun di ko makakalimutan. SA 3 days na nandun ako. Wala akong naisip na problema. Sobrang na-relax yung utak ko. Puro saya lang nasa isip ko. Nakapag reflect naman ako ng maayos. Reunited with friends, atleast napagusapan na namin at naayos na namin yung gap samin. Tapos merong isang lalake, siguro feeling niya may gusto ako sa kanya. Kahit sweet siya sakin, hindi ko talaga naisip na mafall sakanya. Tapos, kahapon lang, parang naiinis na ako sa mga kinikilos niya. Masyado na kasi siyang naglalandi. Hello, may girlfriend siya, tapos lahat na ng babae nilalandi niya. And yung sinabi niya sakin, parang nakakainis lang. Kung makapagsalita kasi siya. Parang wala siyang girlfriend. Tapos ngayon, naiinis na talaga ako, may sinabi siya sakin na sinabi niya din sa friend ko nun time na magkasama sila. Sana naman kung babanat siya wag yung paulit ulit. =)) Anyway, wala na ako pakialam sakanya. Bahala siya. =))
Eto, magkukwento na lang ako. :D
1st day - naiyak ako sa mga kwento nila. Wala naman kasi nakakaiyak sa amin, pagdating sa family ko. Tapos yung pinakaiintay ko, yung may candle. Successful naman ang matagal ko ng plano. Nakapag-sorry na ako sa 2 taong importante sakin. :) Then di ko na "siya" nabigyan kasi tapos na yung activity, so ng matutulog na kami. Lumapit ako, then sabi ko "Salamat ah" syempre sabi niya "Bakit?" tapos sabi ko na lang "basta". Masakit sa kin yung hindi na kami tulad ng dati. May nagbago naman kasi talaga.
2nd day - umaga pa lang, iyakan na naman. About sa family, ayun nga, wala naman nakakiyak sa family namin. =)) Then, nung hapon, nanood kami ng videos tungkol sa abortion. GRABE! Hindi ko talaga matignan yung ibang parts. Hindi ko talaga maisip na magagawa yun ng mga walang kwentang nanay. Hindi naman kasalanan nung bata eh, tapos pinapatay na lang nila. :( Dahil dun, narealize ko kung gano ako kaswerte kasi inalagaan ako ng nanay ko kahit nung nasa tiyan niya pa ako. Then, nung gabi, ansaya nung activity, Sabi nga ni Fray. Baka hindi na maulit yun. Ang sarap kasi sa feeling kapag alam mong kahit hindi kayo close nung tao nakikita nila yung positive side mo. Then, nung time na para basahin yung letters. Okay, naiyak lang ako sa letter ng nanay ko at ng kapatid ko. :P Then, yung sa friends na. Pagkabigay pa lang "niya" sakin nung letter niya sabi niya, "Ui sorry, nakakahiya talaga yung letter ko" Nakita daw niya kasi yung letter ko. Grabe, yung letter niya sakin. 1/4 lang ng letter ko sakanya, Pero kahit maiksi yun, natouch ako. Atleast nararamdaman niyang nakikinig ako sakanya kapag may problema siya. Tapos nun matutulog na nag-explain pa siya kung bakit maiksi yung letter niya.
3rd day - last day. Nakakalungkot kasi uuwi na kami. Babalik na naman kami sa magulong mundo namin. Tapos may nalaman pa ako. Alam ko nasaktan na naman siya. Napaiyak na naman siya. Hindi ko siya malapitan. Kasi nahihiya ako, gustong gusto ko na siya icomfort. Kaso baka kasi di niya ko pansinin. :( Pero nung pauwi na kami, may isang bagay na nagpangiti talaga sakin. Nung nag-stopover kami. Pagbalik ko ng bus, nakita ko binabasa niya letter ko sakanya. Tapos nung nagkatinginan kami, tinago pa niya kunyare yung letter. Tapos, nagsmile siya. Natuwa talaga ako, kasi sobrang lungkot niya nung time na yun. Atleast kahit papano, napasmile siya. :D
Ayun lang, yung Retreat ko this year yung pinakamasayang retreat ko. Nung grade 6 kasi, sinira lang naman ng magagaling kong teachers yung retreat ko. Basta, wala talagang tatalo sa mga memories ko kasama ang Ambrose.
MAHAL NA MAHAL KO ANG AMBROSE.`Long post. Para sakin naman to eh. :P